Funny how we Filipinos reacted to the Chip Tsao article.

Funny how we Filipinos reacted to the Chip Tsao article.

If we think about it, there are times when we act just like we are no different than him. When we insult people, sometimes it is way below the belt. But when it’s the other way around and we are the ones being insulted, we get so enraged that we almost want to hurt the person/s who insulted us.

I am not siding Chip Tsao because in the first place, what he did was very unacceptable. I’m just trying to be fair. As a Filipino, I completely disagree with everything he mentioned in his article. I was very angry with what he wrote.

But for the record, this is not the first time we got very insulted with comments coming from foreigners. As a matter of fact, it is a growing list. What did we do about it? Protest? C’mon, we could do better than that. There are a lot of options. Just not the violent ones.

(Edit: A reader commented that the article was somewhat a way of us getting bullied by stronger nations. In a way, I’d agree with you sir. As Eminem’s song says, Words are weapons.

The magazine where the article was published emphasized that it was a satire. Which all of us definitely disagree with. Well, because it was more than that. The whole article was full of insults.)

My message to the readers:

Bash me if you want but I am only telling the truth. And as the saying goes, the truth hurts. A lot. Peace.

Pintasero din tayo katulad niya. Sumobra nga lang siya. Sagad sa buto yung kanya eh. Pagyurak na sa pagkatao.

Sagutin ninyo nga ako, ano ang tawag natin sa mga taga-Africa? Negro di ba? And tamang tawag sa kanila ay Aprikano o kaya naman ay African. Racist remark yung salitang negro. Ano ang tawag natin sa mga Chinese? Intsik di ba? Eh parang second class chinese yata ang ibig sabihin nun. Ang tamang tawag sa kanila ay Tsino o Chinese. Racist remark ulit yung salitang intsik. Mag-babanggit pa ba ako ng iba? Guilty tayo. Hindi ba’t tama ako?

About these ads

45 thoughts on “Funny how we Filipinos reacted to the Chip Tsao article.

  1. i have Chinese blood, even I am disturbed. It’s beyond insult, it’s telling us to back off because china needs the islands…food, lots of it…..it’s china bullying us. This is reading into the psyche of the Chinese, we being the weakest in Southeast Asia. So it’ not funny how we react….funny is not it.

  2. uu na kung pintasero tayo, pero ndi tayo nag susulat sa mga publications na kung gano kaitim ang mga aprikano o gano kasingkit ang mga mata tsino ndi ba?

    malayo ang lebel ng racism na pinakita ni chip tsao sa sinasabi mong pamimintas natin na mga halimbawa mo, kung tayo laitin ng mga foreigners na ang mga pinoy eh maliliit sa height, ok lang di ba? pero kung sinabihan kang ang lahi mo ay lahi ng mga alipin, ndi na ba magkaiba yon pare?

    wats funny is you thinking how funny we react about it.. well i find this post funny sorry in my opinion..

    • Pinoy tayo. We always find humor in any situation we are in.

      Salamat sa opinion mo. I see your point sir. Maaaring tama ka. Pero kung iisipin mo, may punto din naman ako sa sinabi ko. Tama?

      Thank you to all who have reacted to my articles. Your comments are very much appreciated. Hindi naman ako biased. Naiintindihan ko at nakikita ang mga punto ninyo. Give and take lang yan. Nalalaman ko kung ano ang opinion ninyo sa topic na I posted tapos nalalaman ko rin ang sa inyo. Kung parang may mali man sa mga sinabi ko, well I am entitled to my opinion din di ba?

  3. wat i see in ur post is your pessimism in this situation, we got punched in the faced and stepped on and wat you comment about is how funny we reacted.

    sorry but the title of your post “Funny how we Filipinos reacted to the Chip Tsao article” at first look felt like another attack on the filipinos by an another race. it frustrating to get that kind of article from a racist and narrow minded man like Chip Tsao, wats more frustrating is that a fellow filipino find it funny how filipinos react to it.

    im sorry for posting here, i am entitled to my opinion din eh.

    • sorry but the title of your post “Funny how we Filipinos reacted to the Chip Tsao article” at first look felt like another attack on the filipinos by an another race. it frustrating to get that kind of article from a racist and narrow minded man like Chip Tsao…

      If that’s the way it got to you, I cannot do anything about it. I just posted another possible side of the story. With no intention of making it seem like another insult.

      …wats more frustrating is that a fellow filipino find it funny how filipinos react to it.

      I’d still accept this criticism. I wrote what I thought. If you think about it, what I said has some truth to it.

  4. This is different. We Filipinos don’t publish STUPID articles and this is not below the belt, if there is something worse than below the belt, then that is what Chip Tsao had said. I understand what you’re trying to say but if we let it go that easily, there is like 99%% possibility that that Chip will think we can be easily fooled by that INSULTING APOLOGY.

    Hindi mo ba nabasa ang apology statement niya? Sinabihan niya tayong tayo ang may mali dahil hindi natin naitindihan ang punto niya? Diba, it’s another blow? mababa talaga ang tingin niya sa mga tao. Okay lang sana kung hindi na siya nag-eskandalo ulit at naging invisible na ang mukha ng Chip na yun, pero hindi eh, hindi niya natanggap na siya ang may mali.. Sana sinabi nalang niya na we Filipinos are pretty effin’ bleak.

    Wala naman tayong ginawa para maging unggoy yang CHImPanzee na `yan ah. Sorry sa mga sinabi ko pero I was really taken aback to what he had said. Dapat hindi siya tawaging COLUMNIST o journalist, dinudumihan lang niya ang term na `yun.. Sayang siya, he had a great future ahead of him sana, kaso umasta siyang panginoon eh, kaya it’s waaay blurry. Pero hindi ako galit sayo ha, sa taong cheap ako galit.

    • Hindi naman po natin pinalampas ang ginawa niya di ba? Binabahagi din natin ang ating sentimyento sa pamamagitan ng pagsusulat din ng mga artikulo na bumabatikos sa ginawa niyang mali. At isa pa, kahit nga humingi na siya ng tawad, hindi nga ba’t itutuloy pa rin naman ng mga kababayan natin sa Hong Kong ang protesta laban sa kanya?

      Tatlong beses na siyang humingi ng tawad hindi ba? At nung ikatlong pagkakataon pa nga ng paghingi niya ng tawad ay hinarap niya pa ang mga kababayan natin na nasa Hong Kong? Kahit alam niyang maraming puwedeng mangyari sa kanya sa ginawa niyang yun(Tulad ng puwede siya inatake ng mga kababayan natin doon mismo). Eh siguro nga kahit paano ay may sinseridad na rin naman ang paghingi niya ng tawad.

      Oo, unethical nga talaga yung mga sinabi niya. Mali nga. Pero we asked for an apology and he gave us what we wanted. Hindi pa sapat pero nakuha na natin ang hinihingi natin.

  5. Hindi naman siguro nakapanglalalit ang mga salitang Negro at Intsik diba?! Depende lang `yan sa pagkakaintindi. Pero kung tawaging tayong ALIPIN, ha, kahit saang anggulo mo tingnan, INSULTO `yun!!!

  6. alam mo ang mali sa gnwa nya? kasi pinubliosh nya. publishing means informing all people. kaya proud siyang mamintas. sa tigin mo gingawa ba natin ang ganun? bakit pag tau ba namintas pinapublish natin? so stop prentending that you only want to be fair. cmon! alam mong maling mali ginawa nya. hope you really care to your fellow filipinos. or nagpapansin ka lng pra may maisulat. better comment on oher things na lang. baka sakaling mas maganda article mo.

    • Kung nagpapa-pansin po ako, eh mag-iimbento na lang ako ng balita na makaka-shock sa ating lahat. Hindi po ako nagpapa-pansin. Sinulat ko lang naman ang naisip ko. Ibig kong sabihin, ang opinion ko sa issue.

      In the first place po and with all due respect, I am not pretending to be fair. I am being fair. I just cited the other side of the topic. There are always two sides of things. Depending on our opinions, may mga one-sided comments po tayong nabibitiwan dahil malamang dala na rin ng matinding galit.

      Kung nagalit man po kayo sa sinulat ko, eh wala na po akong magagawa. Nagpapasalamat pa rin ako sa mga comments niyo at mga opinions.

  7. alam mo pare, kung sinasabi mong ok lang na sabihin satin yan nang mga dayuhan parang nawalan ka na nang dignidad sa sarili mo, mukang indi mo ata naiintindihan eh, bigyan kita nang halimbawa, kung laitin ka nang magulang mo matitiis mo diba? eh kung laitin ka nang ndi mo kakilala baka sapakin mo nalang bigla, eto masasabi ko sayo, try mong magtrabaho sa ibang bansa nang ilang taon, tapos magpost ka nang blog na ganito. Sad to say, some of us are getting used being stomped on that they have forgotten what our ancestors sacrifice for our freedom. kaya nagpakamatay ung mga ninuno mo para sa kalayaan tapos me ibang lahi na nagsasabi sayo na alipin ka? So, ibig mong sabihin ok lang sayo?

    and dun sa sinasabi mong tawag dun sa taong negro, ndi mo ba naiisip na pang bata lang na expression yan? alam mo ba kung ilang taong gulang na yang si chip tsao? nasasabi natin yan nuon dahil wala pa tiong isip, pero lumilipas din ang panahon at nagiging mature tio db?

    • Wala naman akong sinabi na ayos lang sa akin ang mga sinabi nung mga dayuhan na yun eh. Siguro po ay hindi niyo lang naiintindihan ang punto ko.

      Sa sinabi ninyong pambatang expression yung salitang negro? Hindi po totoo yun. Hanggang ngayon marami sa ating kababayan ay ganun ang bansag sa kanila. Ibig bang sabihin immature sila?

      • nakukuha ko ung punto mo pero indi ako agree sa sinasabi mo, so ibig mo bang sabihin manahimik nalang tio, dahil pintasero din naman tio, matanong ko sayo nakapunta ka na ba nang HK? kung nakapunta ka na dun mlalaman mo ung sinasabi ko, maciado mababa tingin nang mga chekwa sa pilipino dun, biruin mo kakain lang kami sa resto tanung agad kung me pera kami?

        sa tingin mo ung salitang negro gawain ba nang mature at edukadong tao un? malamang ginagawa mo un kaya ganyan nalang ung tingin mo, wag mong idegrade ang sarili mo kagaya nang mga racist sa mundo. majority ba nang pinoy sinisigawan ung mga negro o kaya nagsusulat nang article tungkol sa mga negro o meron ka nang nakitang gumawa nian at nagsulat sa internet?

        meron tiong tinatawag na etiketa mga walang modo lang gumagawa nang ganyan, ako kac tinuruan ako nang magulang ko na rumispeto sa kapwa tao ko. Alam mo un, at nakuha ko na din ung punto mo, pero sa mga taong mga racist lang pinapatamaan mo sa blog mo. kaya sinasabi mong wag mapikon.

      • Kung babasahin mo pong muli ang aking nilimbag, malalaman ninyong wala akong sinabing manahimik na lamang tayo sa ginawa niya. Sa katunayan ay sumasang-ayon ako sa gagawing pagkilos ng mga kababayan natin sa darating na linggo sa Hong Kong.

        Hindi pa po ako nakakpunta sa Hong Kong pero may ilang kamag-anak na po akong nagtrabaho pa doon dati. Kung yung naranasan mo dun ay ganun lang, ang sa kanya ay mas matindi. Kaya naiintindihan ko ang sentimyento mo.

        Huwag ka po sanang mag-assume tungkol sa pananaw ko ng kung anu-ano dahil hindi mo ako kilala. Sana po ay maging reasonable naman kayo sa mga binibitiwan ninyong salita. Eh lumalabas pong pati ako ay ininsulto mo na rin. Sa aking pananaw ay lumalampas na po yata sa linya ang pahayag ninyong ito.

        Paalala: Sana po ay huwag kayong magalit sa akin. Isinulat ko lamang naman ang aking opinyon ukol sa kontrobersiyang ito.

      • the word “negro” is seldom used now. siguro yong mga taong hindi well informed lang ang gumagamit. at sa panahong ito matatalino na ang mga bagong generation and they know when or how to use the word “negro”.

        you have said na fair ka lang about the issue. but boy be fair to your country. hwag mong gawing comedy yong issue. Anyway komedyante naman young mukha ng tsao na yan!

      • @ytteds:
        Sino naman ang nagsabi sa iyong the derogatory term is seldom used now? Ibig mong sabihin maraming tao ang hindi pa rin well informed regarding sa paggamit ng term na yun?

        you have said na fair ka lang about the issue. but boy be fair to your country. hwag mong gawing comedy yong issue.

        I am being fair. I am stating two sides of the issue. Kasi in the first place, there are always two sides of things. If I would have tackled only one side of it, then I would have been biased. Saka hindi ko naman kinakampihan si Mr. Tsao.

        You got me all misunderstood people. Hindi ko ginagawang comedy ang issue. If you understood the title of my article as how I did, malalaman mo kung ano talaga yun. Mahirap kasi ipaliwanag sa pamamagitan ng pagsusulat eh.

      • hey what i mean sir is the word “negro”. black african or african american na ang tawag. At para sa iyomg kaalaman hindi na masyadong ginagamit yang word na yan! Professionaly that word is not use anymore and we all know that because that is humillating and dishonouring the person concern….maski mga aea sa davao hibalo kung unsay dapat itawag sa ilaha. thnaks.

      • Are you speaking in behalf of the people you know or in behalf of all of us Filipinos? How sure are you that the term is seldom used nowadays?

        Anyways, this is getting out of topic na po.
        Note: Please comment in either english or tagalog para fair sa iba. I understood that by the way.

  8. Di na bago ang pag iinsulto ng ibang bansa sa atin. dami na rin nagpublish na siguro hindi na natin maalala. Im not siding to Chip Tsao, kahit anong insulto nya kung indi naman totoo siguro di tayo maapektuhan di ba? at bakit ang sarili nyang bansa indi nya makita ang kapintasan? kung tinawag tayo “nation of servants” eh tawagin nyo din silang “nation of druglords and pirates”, o di ba? at least mga Filipino ng tratrabaho ng marangal para maitaguyod ang pamilya nila kesa naman maka-agrabyado ng tao.

    this insulting article of Chip Tsao should be a wake up call for Filipino’s.

    • ndi ka ba nagagalit sa gnawa nia sa katulong nia?(kahit na joke joke nia lang un, mali padin un) hahaha. manhid na ba?

      pagtingin mo sa sarili mo sobrang manhid na at wala ka nang pakelam sa sarili mo, tingin mo ba makakatulong ka sa bansa o sa ibang tao? , peace!!!

      • Nagalit po ako. Sa katunayan ay galit na galit ako. Kulang na nga lamang ay puntahan ko siya, kumprontahin at suntukin hanggang hindi na makilala ang mukha niya.

        Hindi po ako manhid. Kung manhid po ako ay hindi ako magsusulat ng mga ganitong blog. Sumulat po ako ng ilang mga blog ukol sa kontrobersiyang ito upang malaman ang saloobin ng mga kababayan natin. Ni hindi ko nga inakalang may babasa ng mga artikulo ko.

        Ang akin lang po, bakit pati akong manunulat, na sa katunayan ay apektado din naman sa kontrobersiya, ay inyong pinagbubuntunan ng galit. Kung nakita ninyo naman ang punto ko eh di dapat naintindihan ninyo ang buong isinulat ko.

        Peace. Cool lang kayo. Huwag sana ninyo akong awayin.

        Salamat pong muli sa pag-bisita sa blog ko. God Bless you all.

      • hmm… oo may karapatan tayo magalit, pero tandaan ang asar ay talo. ano ba ang gusto mong imungkahi? nasabi na ang nasabi, kahit ipabitay pa si tsao hindi mo na mababago ang kanyang sinabi kahit personal mo siyang puntahan at pagmumurahin at pagbugbogin ay wala pa rin. I’m not siding with Chip, all I’m just saying is why d0n’t we drop this issue since this does not count as a real problem to the Philippines. your just keeping your self angry and it would not do you or even our country any good. and as for tsao’s maid life goes on, nobody in this world dies without being insulted, miski nga si Hesus ininsulto din hindi man lang gumanti o nagsbi pabalik.

    • hay naku yong tsao na yan. punta nga siya dito sa bahrain para malalaman nya kong anong pinaggagawa ng mga kababayan nyang mga babae. naglipana sila dito.

      • @ytteds:
        Please, let’s not make the issue a Chinese vs Filipino rivalry. It is only Chip Tsao vs The Filipino People. Wag natin idamay yung iba.

  9. “Sa sinabi ninyong pambatang expression yung salitang negro? Hindi po totoo yun. Hanggang ngayon marami sa ating kababayan ay ganun ang bansag sa kanila. Ibig bang sabihin immature sila?”

    may point ka po… pero sa tingin ko yung mga matatandang hanggang ngayon na nangbabansag ng negro sa iba ay may reason.. siguro kaaway nila o my iba pang rason…
    kung ikaw may kaaway kang negro eh diba ang sasabihin o ibabansag mo ay yung problema sa pisikal nyang anyo ganun naman lahat tayo diba?
    pero kung hindi mo naman kaaway at mabasa mong tinawag na “nation of servants” eh hindi sa pisikal na anyo yun sapagkat iyon ay pangiinsulto na sa atin…. ang opinion ko wala tayong ginagawng masama sa kanya hindi ba? bakit siya ganun?

    iba ang meaning at pagpintas ng negro o intsik kung ikukumpara na sabihan tayong
    ‘nation of servants”

    • May tama rin sa sinabi mo. Wala nga naman tayong ginawang masama sa kanya para pagsalitaan niya tayo ng ganoon. Yung pag-claim natin sa Spratley Islands ang piang-ugatan ng napaka-walang galang na article na sinulat niya. Na kaya lang din naman nila kine-claim na kanila ay dahil nadiskubreng may malaking oil reserves sa maliit na grupo ng mga islang yun.

  10. May point naman ung gumawa ng blog, di nga lang tama na tawaging funny ung reaction nating mga pinoy. Disturbing ung mga sinulat ni Mr. Chip Tsao, it was definitely a low blow to us Filipinos but again eto tayo violent reaction agad. Kung titingnan nga naman di na bago mga sinulat ni Mr. Chip Tsao, marami na nauna na nanlait sa ‘tin di ba?

    Ganun talaga kung tayo mismo di natin matanggap-tanggap sarili natin. Tayo mismo di makita sarili nating kapintasan as a nation. Ika nga nagsisimula pagbabago satin mismo. Let’s show the world na lang na what they think of us is totally wrong. We are not a nation of servants but a nation na malaki contribution sa mundo. We got what it takes to show them that, if only we start with the person staring back at as everytime we look at the mirror.

    Peace on the web!

  11. In my opinion, tama naman ung sinabi ni Chip Tsao, wala naman mali sa sinabi nya, nakakahiya talaga ang mga pilipino, kahit saan sulog ng mundo servants tau, yan naman talaga ang tutuo e, bakit natin kinakahiya na kilala tau sa pagiging katulong, lets blame the people who are corrupt, cguro kung walang mga leaders na corrupt or at nagbabayad tau ng tamang buwis, pwede pa cguro maitaguyod ang ating bansa and hinid na natin kailangan mangibang bansa, para sakin lang, nakakahiyang maging pilipino, kahit saan sulok ng mundo nakakahiya tau, ung mga nangungurakot, dedma lang pero kung iisipin natin, kailangna na natin ng tulong. kung dati ung mga negro ang slaves, makikita natin isa tau sa mga alipin ngaun dahil walang pera ang pilipinas, nasa bulsa na ng mga corrupt leaders, kung ako sa mga abu sayaaf, sila ang dapat nilang ubusin para mapalitan na ng maayos na leaders at tumaas ang ekonomiya natin. pinapamuka lang ni Chip Tsao ang katotohanan. di ako intsik pero tama sya!!

    • kaibigan, may katotohanan ang sinabi si tsao, pero it dosen’t mean na kahiya-hiya tayong mga pinoy. Oo katulong nga, pero naisip ba niya kung magkano ang kinikita ng ating bansa sa labor na kaya naman nilang gawin sa kanilang mga sarili? And mind you not all are servants. sa tingin ko nga isinulat ni chip ang mga ‘yon out of envy e. Oo korap, pero hindi ba naisip ni tsao kung pano ninanakaw ng communismo ang pinaghirapan ng kanyang mga kababayan? bakit ba nagpupunta ang mga tsino dito sa pilipinas? simple, dahil walang prutas ang kanilang kasipagan sa sarili nilang bansa. Ginagawang hipokrito ni Tsao ang kanyang sarili sa kanyang mga ipinagsasabi. At Abu Sayaf? hindi ka ba nagtataka kung bakit napasakamay nila ang mga armas ng AFP? bakit nagkudeta si Trillanes? umpisahan natin ang pagbabago sa sarili natin bago tayo mag demand ng pagbabago sa ating bansa. walang magyayari kung maninisi lamang tayo o hihintayin natin konsensyahin ang mga may kapangyarihan. shame nalang sa mga korap sa gobyerno, may Diyos. Don’t be ashame of being Filipino since with it you carry freedom and the trademark of kasipagan for it is our pride.

    • Ang bangis mo pare! Akalain mo ikinahiya mo tayo?! Well wala akong magagawa opinyon mo yan. Pero come to think of it, di naman ata tamang sabihing lahat ng trabaho ng mga pinoy sa ibang bansa eh “servants” lahat. Oo we provide service pero ginagawa natin yun to provide the needs of our family and contribute what we can in different sects of the economy mapa-foreign man o sa sariling bayan . Some do it for the sole purpose of self contentment and fun. Isa pa, hindi lahat ng tao sa mundo “servants” tingin sa’tin. Mayron lang talagang nakatingin sa lahi at kulay o yung mga racist!

      May point ka naman dun sa sinabi mong dahil sa korapsyon kaya hirap na hirap tayo. Agree ako dun, katunayan Pilipinas ang isa sa pinakakurap na bansa di lamang sa Asya kundi pati sa mundo.

      Pero tama si truthbetold, maaaring may katotohanan yung sinabi ni Tsao sa article nya pero di yun sapat na maliitin natin sarili natin! Pinoy tayo pare, walang flourescent light kung wala si Agapito Flores, walang moon buggy kung wala si Ed San Juan, at hindi tayo titingalain ng mundo kung di tayo nagsama-sama nung 1986 sa EDSA para patunayang kapag nagkaisa tayo kaya natin problema!
      Sana makuha mo point ko. Di ako nakikipag-away, nagpo-post lang sa blog na’to.

      Kapayapaan sa web!

  12. “Guilty tayo. Hindi ba’t tama ako?”

    Hindi, at mali ka!

    …mas lalong mali ung pag compare mo sa ginawa ni Chip Tsao at sa mga ginagawang “pintas” ng mga Pilipino sa ibang race. Pag tayo(o kami lang, di ikaw) pag nagpintas, hindi seryoso at pangkatuwaan lang. Ang ginawa ni Tsao ay isang article na mababasa ng karamihan.
    Maling mali ang ginawa mong pagkumpara, yan tuloy napaisip ako kung iniisip mo muna ang sinusulat mo bago mo gawing public(katulad ni Tsao).

    • @Cheap Shot:

      oops. teka, na-misquote mo yung sinabi ko. at saka sa buong buhay mo ba hindi ka namintas lalo pa’t nagbitiw ng racist remarks? imposible.

      Kapag namintas ay hindi seryoso? Jokes are usually half-meant. Ang sinulat ni Chip Tsao ay inisip niyang nakakatawa (satire nga daw). Pero ang dating sa atin, insulto. May ibang mga kabababayan tayo sa kung anong kadahilanan ay sumang-ayon sa kanya. Marami naman, kasama na ako, na hindi sumasang-ayon.

      Pinag-iisipan kong mabuti ang mga sinulat ko. Saka marami nga sa mga nag-comment sa post kong ito ay hindi yata naintindihan yung sinabi ko kaya nagagalit sila sa akin, katulad mo. Kung babasahin mong mabuti yung article na sinulat ko, maiintindihan mo rin yung punto ko. Palagay ko ay binasa mo lang yung mga salitang mainit sa mata mo na naisip mong nakaka-insulto.

      Peace.

  13. He’s right. funny how we reacted to tsao, ginagawa nanaman nating katatawanan ang mga ating sarili. we d0n’t stoop down to people like this. Hay Naku! wAg nY0 na Pansinin ‘yAng si Chip Tsao. KSP lang yan at wala nang maisip isulat. and may I remind you all that as a columnist susulat at susulat ‘yan ng kahit anong kontrobersyal na issue dahil ‘yan ang magbibigay ng atensyon sa kanyang column. he’s barely a real nuisance to anyone. besides mga kababayan… marami pa tayong dapat gawin kaysa makipag harutan ng insulto sa tsao na ‘yan. better n0t waste ANYTHING or give a d*#& for something n0t worth our while. an0? gAgastos nanaman ang gobyerno para kasuhan iyang columnista na ‘yan? magpapabugbog nanaman tayo sa pulis sa rally insted na maging productive sa school o sa bahay. and sorry for chip tsao, without his maid he would have a pigpen of a house. we Filipinos become OFW because they are suckers enough to pay up 3,580 dollars a month or more for ordinary and(or both) common chores they are too LAZY to do themselves, without us they’re nothing. and the spratly island? saksak niya sa baga n’ya! hindi n’yo rin ba napapansin? He sells himself tulad ng mga mabababa ang lipad sa paraan ng pagsulat n’ya. anyway pinagmumuka lang naman ni chip na bastos ang pagkatao niya. in the end day we so called “servants” still have the last laugh and get to keep our dignity(tayo lang naman at wala nang iba ang maaaring magtagal nito). we filipinos enjoy simplicity while sad for chip he needs to bleed first to be happy.

  14. CHIP TSAO’ S COMMENT WILL BE FORGOTTEN— just like Mariah Carey’s (brown Monkey), Howard Stern’s (Filipinas on prostitution), Desperate Housewives ( Diplomas).

    THE INABILITY OF FILIPINOS TO PROVIDE SUFFICIENT JOBS FOR HIM/HERSELF WILL BE WITH US FOR A LONG LONG TIME!

    Filipinos, show character and focus on the problem where it matters!

    • There is some truth to that sir. But mind you that the Philippines is not the only country with overseas workers.

      It is easy to say such things as providing sufficient jobs within the Philippines. What’s hard is implementing that. Even the president has been having a hard time trying to provide jobs for the people. To think that she has actually been in position for almost 9 years already.

      • The government is not just the problem. Ang heritage ng Filipino sa commerce and industries ay hindi enough para mag-generate ng jobs.

        Ang kulang sa filipino industries: Philosophies (malalim na REASONING/ CLEVER), Character (Determination), Ethics (pagpapahalaga).

        $840 BILLION worth ang PHILIPPINE MINING NA DOMINATED NG FOREIGNERS, pero ang malaking FILIPINO ARTS & ENTERTAINMENT AY HINDI MAIBENTA SA INTERNATIONAL MARKET !

        Papaano ka kikita niyan?

  15. I was enraged when i read the article chip made but i TOTALLY AGREE with you about filipinos making racist remarks. Specially to Indians, the make jokes or comments about them that makes me sick. Michel V. ‘s lucky that no Indian national ever sued him for his song.

    • Thank you. Mr. Tsao’s article was way too much of an insult. But If we think of it, which is more insulting, having the insult published or having said it right to your face?

  16. I was really angry at such words by him. How could he belittle us just like that. You know what hindi lang siya ang nagiisip ng ganyan maraming mga intsik nowadays that would think that way. Tulad nalang nito mapa:

    http://forum.postcrossing.com/viewthread.php?tid=9570

    Kung totoosin iyong mga intsik pumunta dito sa Pilipinas noon dahil sa sarili nilang bansa mga mahihirap sila.

    Pero ako si Gloria, she should establish new jobs here, improving the manpower WITHIN the country. Hindi nalang aasa at magpropromote sa OFWs dahil in the long run tayo rin ang kawawa. Nagmumukhang dolyar na siya diyan.

    She should improve the taxation here. Stop making houses for people from slum areas dahil hindi talaga yan sila mauubos. Sa isip nila “ai okay lang, magpabahay naman ang gobyerno”. Instead they should focus on improving the quality of education. Marami nang mga hindi naman competent na mga guro kaya ang mga estudiante naging bobo din.Maging stricto sana sila diyan. Reconstruct the curriculum and demolish the unnecessary subjects within a course. Iyan lang kasi ang nagpapamahal ng colleges dito.

    • She has been finding jobs for the Filipinos since she first got the presidency. The problem is that yung ibang mga nag-aaply, kulang o iba yung alam sa ina-applyan nilang trabaho. Saka the fact is, maraming na rin siyang na-establish na bagong trabaho kaso sa dami ng nag-aaply, hindi pa rin enough yung jobs.

      The quality of education may not be the only problem. There are a lot more factors to blame than just the educational system.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s